Originally posted last Jan 17, '08 12:25 AM on my Multiply blog
Ito ang duguang puso ni Ryan. Nilapastangan ng isang taong dati-rati'y itinuring itong kanyang pangalawang tahanan. Tumitibok dati ito ng tama. lub-dub. lub-dub. Pero ngayon, pinili nyang lumayo upang kilalanin ang kanyang sarili. Hindi man lang nya naisip na ang paglisang ito ay nagdulot ng pagkukulang na naging dahilanan ng pag-dugo nito at kakulangan sa pagpintig. dub-dub na lang. wala nag love-dub love-dub.
Hindi ko alam kung babalik pa sya sa tahanang ito. Sana. Maghihintay ako. Ngunit kung may balak pa sya bumalik, sana hindi pa huli ang lahat. Sana may mabalikan pa sya. Sana may tibok pa ang pusong ito.
Ilang linggo itong unti-unting tinusok. Masakit man, hindi ko pa rin ganon karamdam dahil katabi ko sya. mabutas mang ang isang ventricle, naroroon sya para ituloy ang pagtibok nito. Ngunit ngayon, tuluyan nang tumagos sa pusong ito ang pako. Hindi ko masabi kung gaano kalalim. At kung kailan nangyari ito, dun pa nya piniling umalis
Idinaan sa mabuting pakiusap na ayusin ang mga bagay at idaan sa maayos na paraan. Mero pinili pa rin nya ang masaklap na paglisan. Ginawa ang lahat ngunit mas pinili nyang lumayo. Ang bagay ay inaayos ng magkasama hindi ng mag-isa. Marapat na magtulungan ang isa't-isa. Ngunit mas pinili nya na tahakin ang mga problema ng mag-isa. ng wala ang kabiyak.
Maghihintay ako hanggan sa huling tibok ng kalahating pusong ito. Maghihitay ako hanggan sa huling patak ng dugo na dadaloy at tutulo dito. Sana ay bumalik ka ng mabuo ulit ito. Huwag mong hintayin ang pagkakataon na tuyo na ito at huli ng lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment