January 20, 2008

Duguang puso ni Ryan


Originally posted last Jan 17, '08 12:25 AM on my Multiply blog

Ito ang duguang puso ni Ryan. Nilapastangan ng isang taong dati-rati'y itinuring itong kanyang pangalawang tahanan. Tumitibok dati ito ng tama. lub-dub. lub-dub. Pero ngayon, pinili nyang lumayo upang kilalanin ang kanyang sarili. Hindi man lang nya naisip na ang paglisang ito ay nagdulot ng pagkukulang na naging dahilanan ng pag-dugo nito at kakulangan sa pagpintig. dub-dub na lang. wala nag love-dub love-dub.

Hindi ko alam kung babalik pa sya sa tahanang ito. Sana. Maghihintay ako. Ngunit kung may balak pa sya bumalik, sana hindi pa huli ang lahat. Sana may mabalikan pa sya. Sana may tibok pa ang pusong ito.

Ilang linggo itong unti-unting tinusok. Masakit man, hindi ko pa rin ganon karamdam dahil katabi ko sya. mabutas mang ang isang ventricle, naroroon sya para ituloy ang pagtibok nito. Ngunit ngayon, tuluyan nang tumagos sa pusong ito ang pako. Hindi ko masabi kung gaano kalalim. At kung kailan nangyari ito, dun pa nya piniling umalis

Idinaan sa mabuting pakiusap na ayusin ang mga bagay at idaan sa maayos na paraan. Mero pinili pa rin nya ang masaklap na paglisan. Ginawa ang lahat ngunit mas pinili nyang lumayo. Ang bagay ay inaayos ng magkasama hindi ng mag-isa. Marapat na magtulungan ang isa't-isa. Ngunit mas pinili nya na tahakin ang mga problema ng mag-isa. ng wala ang kabiyak.

Maghihintay ako hanggan sa huling tibok ng kalahating pusong ito. Maghihitay ako hanggan sa huling patak ng dugo na dadaloy at tutulo dito. Sana ay bumalik ka ng mabuo ulit ito. Huwag mong hintayin ang pagkakataon na tuyo na ito at huli ng lahat.

November 06, 2007

Too Much Love Will Kill You

Isang patama sa akin ng driver ng truck na ito... "Keep distance, too much love will kill you." Kitang-kita naman. It says it all. Wag paikutin ng sobra ang mundo sa taong iniibig. Konting distancia lang amigo. Else, hindi maiiwasan ang sobrang pagkapraning at pagiging seloso.

Naaalala ko tuloy yung 'Road Less Travelled' ni Scott Peck and 'Language of Love' ni Gary Chapman. I won't discuss it here coz magiging nobela nanaman ito. Thanks Cy at ako ang naalala mo ko nang nakita mo to. I'll take ur advice na mag-iwan naman ako ng konti para sa sarili ko at baka sa huli, ako ang maiwang nasaktan at lumuluha... =(


September 27, 2007

Huwat?!? I have a doppleganger?!?

Mhars reported seeing my Doppleganger lurking here in the office. That was between 4 and 5 am today. She saw me daw wearing a brown jacket walking to and fro the pantry, eh that time I stepped out to smoke a few ciggies downstairs. Another thing, I didn’t bring any jacket to work! I don’t even own a brown jacket! Syet! Ang saya! May fan na rin ako… yun nga lang… doppleganger nga lang! It flatters me that beings from the other world try to imitate me.

Another freaky incident on my way downstairs (siguro this was the time of the doppleganger attack) dumadaan ng every floor yung elevator (sabay) and there’s no one inside it! pagsakay ko, pababa, I got so nauseous coz dumaan nanaman sa lahat ng floor ang elevator! Freaky sobra. And then pagdating ko sa Gazebo, sakto pagkasindi ko ng yosi, the lights turned off. Even the guards were surprised coz no one turned off the lights! Whew. what a Freaky morning.

This is no bull. nor a shit. and definitely not a bull shit. Hindi na ko magoovernite sa office. I’ll report to work pag may araw na. I’m gonna make saboy agua bendita around me para it can’t make lapit to me. One thing that I can say about this freaky morning: ‘OMAGAD! Doppleganger in da haus!’